63
roque-1
By

Pag-wiretap ng dayuhan para sa intel, trabaho lang – Roque

Ipinagkibit-balikat lamang ng Malacañang ang pahayag ni Magdalo party list representative Gary Alejano na lumabag sa security breach si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng isiniwalat na impormasyon ng Pangulo na umano’y planong pagpapatalsik sa kanya na nakuha sa pag-uusap ng mga nasa likod ng plano.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang direktiba si Pangulong Duterte para mag-wire tap at makinig sa mga kalaban.

Ang impormasyon aniyang nakarating sa Presidente ay boluntaryong ibinigay ng ibang bansa na na-intercept ng kanilang komunikasyon.

Sinabi ni Roque na hindi maiaalis sa mga dayuhang embahadang nasa bansa na kumuha ng intelligence report dahil kasama ito sa kanilang trabaho.

“Well, sa panahon na ito talaga, dahil sa teknolohiya, talagang maraming pagsubok pagdating doon sa karapatan natin na magkaroon ng privacy sa ating komunikasyon. Pero importante rito, unang-una, hindi si Presidente ang nag-order ng wiretapping.

“Pangalawa, dapat maintindihan ng lahat na lahat ng delegasyon, lahat ng mga dayuhan na may embahada rito ay talagang isa na sa tanggap na trabaho nila ay kumuha ng Intel ‘no.

At pangatlo, boluntaryong ibinigay iyan kay Presidente. At siya naman, nais nga niyang i-share iyan sa ating taumbayan kaya nga po mayroon ng proseso na pinapa-declassify iyang impormasyon na iyan,” ani Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?