143

By

‘Pag walang LeBron o PG, Magic lalayasan ang Lakers

Sharing is caring!

Magre-resign si Magic Johnson bilang president of basketball operations ng Los Angeles Lakers kung hindi siya makakabingwit ng malaking isda para palakasin ang 16-time NBA champions.

Dalawang summers – hanggang 2019 – ang binigay ni Magic na timetable para maibalik sa dating kinang ang Lakers.

Noong February 2017, kinuha ni owner Jeanie Buss si Magic para iupo sa front office ng Lakers.

“Next summer, if nobody comes and I’m still sitting here like this, then it’s a failure,” ani Magic sa news conference nang ipakilala ang draft picks nilang sina Moe Wagner at Svi Mykhailiuk.

Sina LeBron James at Paul George ang pinakamabibigat na pangalang lumulutang sa free agent market nitong July. Dito uumpisahan ni Johnson ang kanyang mahika kung paano makukuha ang dalawa.

Kung nganga, resign siya.

“Like I told you when I took the job, it’s going to be a two-summer for the Lakers,” dagdag ni Johnson. “This summer and next summer, ang that’s it. And if I can’t deliver, I’m going to step down myself. She won’t have to fire me.”

So far, so good naman daw siya sa trabaho.

Humugot ang Lakers ng mga bata pero talentadong players kina Brandon Ingram, Lonzo Ball, Kyle Kuzma at Josh Hart – lahat puwedeng maging matibay na support cast ng bigating makukuhang free agent tulad ng kalibre ni James o ni Paul.

Nagbawas din ng tao ang Lakers para lumuwag ang salary cap, sakto para sa dalawang big time free agents. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?