227

Sep 26, 2021 @ 20:02
By

‘Pag VP Leni umayaw: Trillanes tatakbong pangulo

Nagbigay na ng ultimatum si dating senador Antonio Trillanes IV kay Bise Presidente Leni Robredo para maganunsyo ng kandidatura bilang pangulo sa 2022.

Sa kanyang social media post ngayong Linggo, nangako si Trillanes na kung tatakbo si Robredo, susuportahan niya ito.

“Tuloy ang pagtulak natin kay VP Leni to run for President. Kung tumuloy siya, ipanalo natin siya,” ani Trillanes.

Ngunit ayon sa dating mambabatas, kung hindi mag-aanunsyo ng kandidatura si Robredo pagsapit ng Oktubre 8, siya na ang tatakbo para maging pambato ng oposisyon.

“Pero kung ‘di pa rin siya makapagdesisyon by 12nn of October 8, tuloy na po ako ng pagka-presidente. ‘Di po natin hahayaang matalo ang TUNAY na OPOSISYON ng ‘di man lang lumaban,” ani Trillanes.

Ang Oktubre 8 ang huling araw ng filing ng certificate of candidacy.

Sa isa niyang naunang statement, tinawag ni Trillanes ang ibang presidential candidate na sina Senador Manny Pacquiao, Senador Ping Lacson, at Manila Mayor Isko Moreno bilang mga pekeng oposisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?