35

May 23, 2020 @ 15:15
By

Pag-uwi ng mga OFW magpapataas pa sa COVID-19 case sa ‘Pinas – Galvez

Posible umanong makaranas ng second wave ng coronavirus pandemic ang Pilipinas dahil sa patuloy na repatriation ng mga OFW, babala ni Task Force COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez.

“What we’re seeing now is the possible spike of cases in some areas because of the importation of transmission, due to the big influx of arriving OFWs,” wika ni Galvez sa Laging Handa briefing ng National Task Force Against COVID-19.

“We are receiving more than 30,000 OFWs. That’s what we’re looking at, that we might have a possible second wave,” dagdag niya.

Paliwanag pa niya, nagmula pa sa mga bansang lubhang apektado ng virus ang mga nagbabalik bansang OFW gaya ng United States, Italy, Spain at ilang bahagi ng Middle East.

Sa kabila nito, sa 30,000 OFW umanong na-test, mayroon lang 600 na nagpositibo.

Inaasahan daw na dagdag pang 42,000 OFW ang darating sa Pilipinas ngayong Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?