796

By

Pag-uugnay ni Duterte kay Mayor Halili sa droga, suspetsa lang – Palasyo

Sharing is caring!

Binigyang-linaw ng Malacañang na hinala o suspetsa lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag nito na nag-uugnay sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili sa iligal na droga.

Sa harap na rin ito ng pag-alma ng pamilya ni Halili sa ulat na sangkot umano sa illegal drug trade ang alkalde.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang direktang pahayag ang Pangulo na nagdadawit kay Halili sa illegal drug trade.

“I will quote from the translation of what the President said, ‘suspicion’. So it’s a suspicion,” ani Roque.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa 58th founding anniversary ng Southern Leyte sa Maasin kagabi ay sinabi nitong nagkukunwari lamang si Halili sa pagparada ng mga drug addict at sa “shame campaign” dahil maging ang alkalde ay sangkot din umano sa illegal drug trade.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang mga tauhan at opisyal sa tanggapan ni Halili sa tinuran ng Pangulo at humihinging igalang ang pagluluksa para sa napatay na alkalde.

Naniniwala si Roque na hindi makakaapekto sa imbestigasyon ng mga awtoridad ang naging pahayag ng Presidente at nangakong magkakaroon ng malawakang imbestigasyon para matukoy kung sino talaga ang mga nasa likod sa pagpatay sa alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?