135

Nov 1, 2017 @ 12:01

Pag-utang sa mga bangko, sumigla – BSP

Naging mabilis ang pagtaas ng halaga ng mga pina-utang ng mga commercial banks sa bansa nitong nakalipas na buwan ng Setyembre.

Base sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang pinautang ng mga bangko ay lumago sa 21.1 porsiyento noong Setyembre mula sa 20.4 porsiyento noong Agosto.

Naobserbahan na ang lumakas ang pagpapautang sa mga sektor ng real estate, kuryente, gas at steam and airconditioning supply.

Gayundin sa pagnenegosyo, sa wholesale and retail trade, sa pagpapatayo ng mga talyer, financial and insurance, manufacturing at information and communications.

Humina naman ang pag-utang sa usapin ng public administration, defense at social security maging sa household consumption. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?