279
views
ping-lacson
By

Pag-utang ng gobyerno ng P1.2T sa 2019 pinalagan ni Lacson

Sharing is caring!

Umalma si Senador Panfilo Lacson sa plano ng Duterte administration na mangutang ng P1.19 trilyon o halos P1.2 trilyon sa susunod na taon para sa Build, Build, Build project at iba pang gastusin ng gobyerno.

Kwestyon ni Lacson kung hanggang kailan ang ganitong pangungutang at kailan pa matututo ang gobyerno na gumasta nang naayon lang sa kakayanan nito.

Aniya laging nangungutang ang gobyerno kahit laging natitira sa katapusan ng taon dahil hindi nasasagad ng mga ahensya ng gobyerno ang paggamit nito.

“Kailan pa tayo matututo to live within our means or magkakaroon ng balanced budget?” ani Lacson.

Sa mga pagdinig ng Senado, maraming beses nang nakastigo ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Education at iba pang ahensya dahil hindi nauubos sa mga nakaprogramang proyekto ang hawak nilang badyet.

Aprub naman umano dapat ang pangungutang kung magagamit ito nang tama.

“Okay lang mangutang kung magagamit ay may paglalaaang budget para sa development upang magsilbing investment dahil may babalik sa atin,” ani Lacson.

“Ang problema, hindi naman nagagamit dahil laging malaki ang unused appropriations taon taon,” dagdag ito.

Dismayado ito dahil madalas na may ponding hindi na naipuhunan, naibulsa pa ng ilang kawatan.

“Ang mas masama pa, ninanakaw lang ng ilang mga massiba at walang kabusugan sap era, samantalang tayong mga mamamayan ang magbabayad ng kaukulang buwis,” diin nito.

Una rito, sinabi ni National Treasurer Rosalia De Leon na sa P1.2 trilyon na uutangin sa 2019, ang 75 percent ay uutangin sa domestic markets at ang 25 percent ay sa ibayong dagat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?