44

By

Pag-urong sa suspensyon ng dagdag-buwis sa petrolyo, pinalagan ng mga senador

Umalma ang ilang senador sa pag-uurong ng nauna nang rekumendasyon ng economic managers ng Malacañang na suspendihin ang muling pagtataas ng buwis sa petrolyo sa 2019.

Sinabi ni Senador Bam Aquino na kailangan ng publiko ang suspensyon ng dagdag na buwis para makahinga mula sa pagtataas ng presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin ngayong taon.

Tinawag nito ang Malacañang na ‘paasa’ dahil bigay-bawi sa desisyon.

Iginiit na sa publiko ito makinig at hindi sa Development Budget Coordinating Council (DBCC) na binubuo ng economic managers ng gobyerno.

“Huwag naman sana silang paasa. Doble ang sakit sa pag-atras abante ng administrasyon sa kanilang pangako,” sabi ni Aquino.

Nanawagan din si Senador JV Ejercito sa pangulo at sa DBCC na tuparin ang pangako na pagagaanin ang pasanin ng publiko sa susunod na taon.

“I urge the President and the DBCC not to walk back on their decision to lighten the load off the purchasing power of Filipino families,” ani Ejercito.

“We have been asking our people to bite the bullet for the sake of the common good. I now urge the government to bite the bullet for the sake of the majority of the Filipinos,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?