40

Jun 23, 2022 @ 17:10

Pag-upo ni Guanzon sa Kamara ‘di mapipigil

Binasura ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang petisyon ng Duterte Youth party-list na nagpoprotesta sa pag-substitute ni Rowena Guanzon bilang first nominee ng P3PWD party-list.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, walang nalabag na batas si Guanzon sa pagpalit bilang nominee ng naturang partylist.

Ani Laudiangco, nakasunod ang P3PWD sa publication requirements ng Comelec. Nailabas umano ng party-list ang bagong listahan ng mga nominee sa Topline News Publication noong Hunyo 15 at sa People’s Balita noong Hunyo 17.

Kinontra ng mag-asawang Ronald at Rep. Ducielle Cardema ang pag-upo ni Guanzon bilang P3PWD representative dahil sa paglabag nito sa deadline ng substitution, paglabag sa graft and corrupt practices act, at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees.

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?