30
willie marcial
By

Pag-trade sa 1st overall pick, ibabawal na sa PBA

Sharing is caring!

Simula sa 2019 PBA Draft, haharangan na ang pag-trade sa top pick sa kahit anong koponan base sa napagdesisyunan ng board ng liga.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, ang mga koponang nasa pinakailalim ng standing sa pagtatapos ng season ay ang tanging may karapatang pumili ng una sa draft.

“Napag-usapan na yun ng Board,” saad ni Marcial.

Matatandaan na gumawa ng kontrobersiya ang nangyaring trade sa pagitan ng Columbian Dyip at San Miguel Beermen nang ibigay ng una ang kanilang top pick, na naging si Christian Standhardinger, para kina Ronald Tubid, JayR Reyes, Rashawn McCarthy, at kanilang 2019 pick.

Nilinaw naman ni Marcial na lahat ng trade ay patas sapagkat dumaan ito sa proseso ng PBA.

“Lahat naman ng trade, kailangang dumaan sa committee,” pahayag ng commissioner kung saan binubuo nina PBA legal counsel Melvin Mendoza, technical and operations head Eric Castro, at technical team member Junior Bengua at Roscelle Fabie Teotico.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?