66

Nov 28, 2019 @ 22:05
By

Pag-takeover sa PNP kinokonsidera ni Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala pa siyang napipisil na susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Kinokonsidera niya ang posibilidad na i-takeover ang pambansang pulisya.

Ito aniya ay kung wala siyang makitang tao na mapagkakatiwalaan niya bilang PNP chief.

“Matagal pa siguro ‘yan but that is in the event I could not find somebody I can trust,” pahayag niya.

Isa lang umano ang gusto niyang maging hepe ng PNP, ang isang tapat na indibiduwal.

“Show me, tell me who’s the best to handle the command. Just give me an honest man,” wika pa niya.

Sa kasalukuyan, itinalagang PNP officer in charge si Police Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa matapos mag-resign sa puwesto si dating PNP chief Oscar Albayalde bago pa man tumuntong sa mandatory retirement age na 56 matapos madawit sa isyu ng mga “ninja cop”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?