90
rice9

Pag-supply ng 250K MT na bigas sa PHL, ibinigay na sa Thailand, Vietnam

Ini-award na ng National Food Authority (NFA) ang pagsu-supply ng 250,000 metriko toneladang bigas sa Vietnam at Thailand.

Walang nanalo sa unang round ng bidding na isinagawa noong nakaraang linggo para sa pang-aangkat ng nasabing tonelada ng bigas na gustong bilhin ng NFA.

Mas mahal kasi ang benta ng Thailand at Vietnam kaysa sa presyong gusto ng NFA.

Nang ulitin ang bidding ngayong araw, mas mataas na ang presyong handang bayaran ng ahensiya sa kada toneladang bigas.

Sa pagkakataong ito ay naging mura na ang bigas na ibinebenta ng Thailand at Vietnam kung saan mas binabaan pa ng Thailand ang presyo nito para tapatan ang Vietnam kaya’t pareho nang tinanggap ng NFA ang alok ng dalawang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?