By

Pag-subpoena sa bank accounts ni Corona, pinalagan ng pamilya

Sharing is caring!

Pinababaligtad ng pamilya ni yumaong Chief Justice Renato Corona ang naunang desisyon ng Sandiganbayan kung saan pinayagan ang prosekusyon na i-subpoena ang bank executives at account records kaugnay ng P130-million civil forfeiture case nito.

Sa 17-pahinang motion for reconsideration na tinanggap noong Nobyembre 10, ipinunto ng pamilya Corona sa pamamagitan ng misis nitong si Cristina at mga anak na sina Ma. Carla Beatrice Castillo, Francis at Charina Salgado na hindi sila tumatangging makipagtulungan sa submission ng bank documents.

Giit ng mga abogado ng pamilya, ang ruling ng Sandiganbayan Second Division ay hindi taliwas sa Section 5 ng Judicial Affidavit Rule.

Sa halip, sinabi ng pamilya na ang prosekusyon ang bigong makalikom ng mga dokumento kaugnay ng bank accounts ni Corona mula sa kanilang mga testigo.

“It is undisputed that there was no showing of any unjustified refusal on the part of petitioner’s prospective witnesses to execute judicial affidavits or to produce the requested documents,” sabi sa mosyon.

“Before petitioner requested for the subpoena in this case, it never asked its prospective witnesses to produce the requested documents and execute their respective judicial affidavits,” nakasaad pa dito.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay isinantabi ng Sandiganbayan ang naunang ruling nito na may petsang Abril 28, 2016 nang pagbigyan ang motion for clarification and/or reconsideration ng prosekusyon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?