260

Dec 1, 2019 @ 16:03

Pag-record ng SEAG cauldron lighting, ‘di naman bawal – Phisgoc

Dinepensa ng Philippines SEA Games Organizing Committee ang pagsindi sa stadium cauldron sa New Clark City na ayon sa ilang report ay napag-alamang pre-recorded pala at hindi nangyari mismo sa araw ng opening.

Ayon kay Phisgoc spokesman Jarie Osias, aalamin pa nila ang buong detalye ukol sa pagsindi ng cauldron, na nakita sa Philippine Arena kung saan ginanap ang opening ceremony sa isang malaking screen.

“They would be in the best position to explain the production and technical consideration whether or not there was a taping happened at the cauldron,” saad ni Osias sa panayam sa ANC.

Aniya pa, wala din namang nagbawal sa ASEAN Federation na i-tape ang nasabing seremonya sakali mang totoo ito.

“Assuming it was taped, there was no express prohibition in the ASEAN federation as to the timing of the lighting,” lahad ni Osias.

Gayunpaman, maraming mga netizen ang natuwa sa pagpasok ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at fellow boxer Nesthy Petecio sa pagsindi ng P50-million cauldron.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?