42

Jul 15, 2020 @ 10:40
By

Pag pumalpak, mga anti-COVID czar mananagot – Roque

Kapag pumalpak sa kanilang trabaho ang mga itinalagang opisyal, partikular ang mga anti-COVID czar, sa pagtugon sa coronavirus pandemic ay mananagot sila.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na malabanan ang pananalasa ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Roque, mas malawakang targeted testing, mas maraming isolation centers, mas matinding tracing at mas matinding treatment para sa mga nagkakasakit ang ipinapatupad ngayon ng gobyerno para mailigtas ang mga Pilipino sa bagsik ng COVID-19.

“Maliwanag po ang trabaho ng bawat isa at kung halimbawang may pagkukulang, matutukoy agad kung saan. It will be accountable –all will be accountable for the COVID response,” ani Roque.

Nitong Lunes ay ipinakilala ni Roque sa kanyang regular press briefing ang apat na Philippine anti-COVID czars, partikular sina Secretary Vince Dizon bilang Chief testing czar; Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Chief Tracing Czar; Public Works and Highways Secretary Mark Villar bilang Chief Isolation Czar; at Health Undersecretary Leopoldo Vega bilang Head ng One Hospital Incident Command na tinaguriang Chief Treatment Czar.

Ang apat na Czars ay nasa ilalim ng National Task Force Against COVID-19 sa pamumuno ni National Task Force Against COVID-19 sa pamumuno ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?