By

Pag-proseso sa mga pabahay, pina-aapura sa NHA

Sharing is caring!

Hiniling ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez sa National Housing Authority na bilisan ang pag-proseso sa mga aplikasyon para sa 55 libong housing units.

Nagbabala si Benitez, chairman ng House committee on housing and urban development na baka maging magulo ang implementasyon ng socialized housing program ng gobyermo kung babagal-bagal ang proseso.

Kasabay nito’y nanawagan rin ang kongresista sa mga otoridad na bantayan ang lahat ng housing projects na sakop ng Joint Resolution No. 2 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan.

“Pursuant to this measure, NHA should work double time to institute mechanisms for informal settler families, including KADAMAY members, to avail low-cost housing formerly under the PNP/AFP housing program,” ayon kay Benitez.

Sa ilalim ng resolusyon, inaatasan ang NHA na ipamahagi ang 55 libong housing units sa mga kuwalipikadong mahihirap na aplikante.

Binigyang diin ng kongresista na tanging ang mga kuwalipikadong aplikante ang dapat makinabang sa pabahay.

“We recognize the need and growing desperation among urban poor for adequate housing. However, we put prime in the rule of law and the institutional process to address social issues,” sabi ni Benitez.

“ We cannot let desperation lead to anarchy,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?