116

By

Pag-okupa ng Kadamay sa pabahay sa Rizal, isinisi sa NHA – solon

Sharing is caring!

Hindi daw sana nauwi sa pag-okupa ng grupong Kadamay ang housing units sa Rodriguez, Rizal kung naipamahagi na ito ng National Housing Authority (NHA).

Ayon kay Anakpawis partylist Rep. Ariel Casilao, noon pang Mayo napirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Joint Resolution No. 2 para ipamahagi sa mahihirap ang pabahay na para sana sa mga sundalo at pulis pero hindi tinirhan.

Matatandaang trinabaho ng mga mambabatas ang resolusyon kasunod nang pag-okupa ng Kadamay sa housing units sa Pandi, Bulacan.

“The only stumbling block on this issue is the slow execution of the NHA, and its refusal to a democratic consultation demanded by Kadamay,” ani Casilao.

Sabi ni Casilao, sa mga bumabatikos at kumukwestyon sa pag-award ng pabahay sa Kadamay, sa Malakanyang na magreklamo dahil suportado ito ng Pangulo.

“We caution critics, especially those who are anti-Kadamay or urban poor or ‘matapobre,’ not to over-react, and that the awarding of unoccupied housing units supposedly uniformed personnel to poor families has already been approved by the president, prior that of both chambers, so if you oppose this, address it to the president, the house speaker and the senate president,” sabi ni Casilao.

Nanawagan naman ang kongresista kay NHA General Manager Marcelino Escalada na madaliin ang implementasyon ng resolusyon para maipamahagi na ang mga nakatiwangwang na housing units kabilang na ang nasa Rizal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?