13
John-Bulalacao11
By

Pag-obserba sa Araw ng Paggawa, naging mapayapa – PNP

Sharing is caring!

Maayos sa kabuuan ang naging pagdiriwang sa Araw ng Paggawa ngayong araw sa buong bansa.

Ito ang pagtaya ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao, sa kabila ng kaliwa’t kanang kilos-protesta na ikinasa ng mga grupo ng manggawa at militante mula kaninang umaga ay maayos na natapos ang lahat sa pag-obserba sa Labor Day.

“The Labor Day celebration nationwide was generally peaceful with no violent incident reported across the country,” sabi ni Bulalacao.

Sinabi naman ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na ang dahilan ng mapayapang kilos-protesta ay dahil sa matinding paghahanda ng pambansang pulisya sa paglalatag ng mahigpit na seguridad, pakikipagtulungan ng labor groups leaders at ang mahigpit na pagpapatupad ng maximum tolerance ng mga pulis.

Umakyat naman sa 5,600 na mga raliyista ang pinakamataas na bilang na namonitor ng PNP na nagsagawa ng kilos-protesta taliwas sa unang mga anunsiyo ng mga militanteng grupo na aabot 60,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?