14

Nov 23, 2021 @ 15:26
By

Pag-obliga na bilhin ani ng mga Pinoy sa relief, feeding program inihain

Inihain ng isang lider ng Kamara de Representantes ang panukala na mag-oobliga sa mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan na gawing prayoridad sa pagbili ng mga produktong agrikultural na gagamitin sa relief at school feeding program ang ani ng mga lokal na magsasaka.

Binigyan-diin ni House Committee on Appropriations chairperson at ACT-CIS Rep. Eric Yap ang kahalagahan na matulungan ang mga lokal na magsasaka kasabay ng pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno.

“It is only fitting to put our farmers first when attending to our countrymen’s urgent need for subsistence, thereby putting our farmers as the first responders for food requirements,” sabi ni Yap sa explanatory note ng House Bill 10512.

Sa ilalim ng panukala, gagawa ng implementing rules and regulation ang Department of the Interior and Local Government sa tulong ng mga Department of Agriculture, of Trade and Industry, of Agrarian Reforms, at of Health sa loob ng 90 araw mula sa pagsasabatas ng panukala. (Billy Begas)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?