31

Nov 18, 2021 @ 15:11
By

‘Pag nanalong pangulo: Martial law wala sa radar ni Lacson

Kung manalo sa May 2022 presidential election, nangako si Partido Reporma standard bearer, Senador Panfilo Lacson na hindi siya magdedeklara ng martial law.

“Hindi mangyayari ang martial law, ‘yan ang pwedeng itaga sa bato,” pahayag ni Lacson sa virtual press conference,

Si Lacson ang principal sponsor at isa sa mga may akda na kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2022, na nagpalakas sa kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo.

Noong Hulyo 3, 2020, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terror Bill – na naglalayong mabigyan ngipin ang kasalukuyang batas pagdating sa pagpapanagot sa mga sangkot sa terorismo.

Pinirmahan ito sa kabila ng panawagang ibasura ito sa pangambang magamit ang panukala laban sa mga kritiko ng administrasyon.

Layunin din ng Republic Act 11749 o “Anti-Terrorism Act of 2020” na bigyan pa ng ngipin ang 2007 Human Security Act para palakasin ang kampanya kontra terorismo, at ang mga nauugnay na aktibidad ng teroristang Abu Sayyaf Group. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?