108

Jul 21, 2021 @ 15:53

‘Pag nagpalit ng pwesto: Robredo ‘di ieetse-pwera si Duterte

Sinabi ni Vice President Leni Robredo nitong Martes na sakali mang tumakbo siya at manalo sa pagkapangulo at si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang magwagi sa pagkabise presidente 2022, hindi niya ito ituturing gaya ng ginagawa umano ng pangulo sa kanya.

“Parang poetic justice ‘pag nangyari,” pahayag ni Robredo sa isang panayam ng ANC.

“Pero, para sa akin, very, very seriously, ako, I will not treat him the way he treated me, kasi, I don’t think it is to the best interest of the people na ‘yung Presidente at saka Vice President nag-aaway,” pahayag pa ng bise presidente.

Nilinaw pa rin naman ni Robredo na sa ngayon ay wala pa siyang pormal na desisyon sa pagtakbo sa Palasyo, habang si Duterte naman kamakailan ay nagsabing tatakbo bilang bise presidente upang makaiwas sa mga kaso.

Nanguna rin sa isang pre-election survey si Duterte bilang pangalawang pangulo.

“Having said that, tatanungin ko siya, kasi narinig ko sa speech niya na kung manalo siya, matutulog na lang siya at maghihintay siya na mamatay ang Presidente o whatever,” dagdag pa ni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?