192

Aug 5, 2021 @ 13:02
By

‘Pag naging pangulo: Walang korapsyon, benggador – Lacson

Walang korapsyon, walang hindi makatuwirang paghihigpit sa pribadong sektor, at walang paghihiganti sa mga umapi at sumira sa kanyang pagkatao.

Ito umano ang maasahan ng mga Pilipino kay Senador Panfilo Lacson sa oras na bigyan siya ng pagkakataon na maging pangulo ng Pilipinas.

“I’ll be unforgiving especially on acts of corruption. It’s a crime against the Filipino people. We have so many tax measures yet we see people stealing from government coffers. That should not be forgiven,” pahayag ni Lacson sa panayam sa ANC.

Ayon kay Lacson, ang wala sa lugar na paghihigpit sa mga mamumuhunan ay nagiging dahilan upang matukso ang mga taga-gobyerno na hingian ng ‘pampadulas’ ang mga ito kaya hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon.

Paliwanag pa nito, dapat lamang na ipatupad ang umiiral na batas kabilang na ang sa pagnenegosyo, pero kapag may nag-abuso ay nakahandang tumuwid ang gobyerno.

“Leave the business sector alone but enforce the laws,” sabi ng senador.

Sabi pa ni Lacson, hindi rin siya maghihiganti sa mga sumira sa kanyang pagkatao dahil hindi umano makakausad nang maayos at pasulong ang gobyerno kung maya’t maya ay lumilingon ito sa likod.

“You try walking forward while looking backward. Matatapilok ka. You cannot go forward if you keep looking back,” ayon sa mambabatas.

Sa usapin naman ng kampanya laban sa ipinagbabawal na droga, tiniyak ni Lacson na kanya itong itutuloy pero magkakaroon ng mga maayos na pagbabago.

“As Senate President Vicente C. Sotto III said, it will be holistic. The Duterte administration focused on law enforcement, that’s why we see so many killings, mostly of those wearing slippers. Like the Senate President said, we should focus on prevention and rehabilitation, not just law enforcement. Law enforcement is just one component of the drug war. Papatay tayo ng papatay ng tao without really seeing a positive resolution of the drug problem,” paliwanag nito.

Kinatigan naman ni Sotto, ang magiging running mate ni Lacson, ng mga katagang nagpapakita ng pagpihit sa kampanya sa higit na matinong direksyon.

“There must be heavy programs on prevention and rehabilitation,” giit ni Sotto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?