276

Nov 18, 2021 @ 16:05
By

‘Pag Marcos Jr.- Sara nanalo: Sitwasyon sa WPS mas malala

Nagbabala ang Akbayan Party-list na lalong maghahari ang China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) kung mananalo bilang presidente at bise presidente sina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio sa 2022.

Sa isang press release, sinabi ni Akbayan first nominee Perci Cendaña na ang lumilitaw na pakikipagkaibigan ni Marcos sa China, gayundin ang pagmamana umano ni Mayor Sara sa mahinang aksyon ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pinag-aagawang teritoryo, ang ilan sa mga malinaw na dahilan kung bakit ‘di dapat iboto ang dalawa.

“Like the true Manchurian candidate that he is, Bongbong parrots Duterte’s weak policy on China and the West Philippine Sea. He also continues to forge special ties with China, hosting the Chinese Communist Party’s delegation in the country and being the only presidential candidate to be invited to the Chinese Embassy’s recent photo exhibit. We expect Sara to lean in the same direction. Her loyalty to China guarantees her father and family’s political survival,” wika ni Cendaña.

“We call on the voting public to reject all of China’s proxy candidates in the 2022 elections. Ibasura ang mga traydor, duwag at tuta ng Tsina. Reject the ‘modern makapilis.’ Vote for the West Philippine Sea,” dugtong pa nito.

Ang pahayag ng Akbayan ay kasabay ng nangyaring pangha-harass ng mga barko ng China sa dalawang bangka ng Pilipinas sa karagatang sakop pa ng teritoryo ng bansa nitong Martes.

Mariin ding kinondena ng Akbayan ang naturang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?