264

Jan 13, 2022 @ 14:12
By

‘Pag Marcos Jr. nanalo: Nakaw na yaman ‘di na mababawi – Carpio

Ikinabahala ni dating Supreme Court associate justice Antonio Carpio na mapupunta sa wala ang paghahabol sa P328 bilyon na ill-gotten wealth at ‘di nabayarang buwis ng pamilya Marcos kung mananalo sa darating na halalan si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa TAPATan media forum ng koalisyon na 1Sambayan, sinabi ni Carpio na kung magiging pangulo si Marcos, maaari rin nitong lusawin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ang PCGG ay itinatag ni dating pangulo Corazon Aquino upang bawiin ang ill-gotten wealth ng mga Marcos.

“That’s really the problem. If Bongbong Marcos becomes president, I do not expect the P125 billion to be recovered anymore. He’ll probably abolish the PCGG,” pahayag ni Carpio.

Bukod sa P125 bilyon na nakaw na yaman, mayroon pa umanong utang sa gobyerno ang mga Marcos na estate tax na nagkakahalaga ng P203 bilyon.

“There’s a bigger problem because he owes the government P203 billion as of now for the estate tax. He has been ordered by the court to pay, he refuses to pay up to now,” saad ni Carpio.

“Nobody seems to hold him into account for that. If he becomes president, lalo na. Goodbye na ‘yan. That P203 billion, if you do not collect that in five years, you do not even send a demand letter that prescribes, hindi mo na makolekta yan,” dagdag pa ni Carpio. (MJD)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?