54

By

Pag-iwas ni Duterte sa giyera dahil sa WPS, pagtiwalaan – Sotto

Sharing is caring!

Pagtiwalaan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang iginiit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa gitna ng mga kritisismo sa malamyang tugon ng administrasyon sa panggigitgit ng China sa West Philippine Sea (WPS) at sa paulit-ulit na pahayag ni Pagulong Duterte na ayaw nitong makipaggyera sa China.

Ipinaaalala ni Sotto na ang pangulo ang arkitekto ng foreign policy ng bansa kaya ito ang dapat pagtiwalaan ng desisyon ukol sa WPS at iba pang usapin ukol sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

Dagdag nito, tumpak naman ang pangulo na paulit-ulit na nagsasabing hindi dapat umabot ang bansa sa pakikipagdigmaan sa China o anupamang bansa dahil sa WPS.

Idiniin na walang bansa na gugustuhing makipag-giyera.

“No country wants to go to war that is why we are exhausting all possible means to avoid it from happening,” ani Sotto.

Inungkat na isang milyong tao ang nasawi nung World War 2 kung kailan kabilang sa binomba ng mga Hapon ang Baguio at Clark pati ang Pearl Harbor.

“Kaka-friend natin sa U.S. kaya naging target tayo ng Japan sa Second World War. Same day na binomba Pearl Harbor binomba tayo ng Hapon sa Baguio at Clark. Almost 1 million died in that war. Sa bakuran natin sila nag-away,” ayon kay Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?