45
saf
Apr 18, 2018 @ 14:34

Pag-ipit sa allowances ng SAF, iimbestigahan ni Lacson

Pinabubuksan ni Senador Panfilo Lacson ang imbestigasyon ng Senado sa iniulat na pag-ipit sa buwanang subsistence allowance ng mga tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Kaugnay nito, inihain ni Lacson ang Senate Resolution No. 712 kung saan ipinahahalukay ang isyu sa Senate committee on public order and dangerous drugs na kaniyang pinamumunuan.

“We cannot allow, yet again, another injustice to be committed against our heroes in uniform who are in the forefront of our fight against the ills of terrorism and criminality, lest we risk demoralization within their ranks. Thus the need to probe into the said allegations,” ani Lacson.

Sa alituntunin, lahat ng 4,000 kagawad ng SAF ay dapat bigyan ng P30 subsistence allowance kada araw o P900 kada buwan.

Lumitaw na nabigyan nito ang mga SAF noong Enero 2016 lamang at noong Enero 2017 hanggang Hulyo 2017 bagaman natanggap ng kanilang finance department ang pondo para walang palya ang pagbibigay nito.

May mga tauhan ng SAF na nagsumbong at nagpatulong sa tanggapan ni Lacson kaya may hawak na ring kopya ng reklamo ng mga SAF troopers na isinampa sa Office of the Ombudsman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?