2,378

Dec 13, 2017 @ 15:53
By

Pag-inom ng tubig, importante sa katawan

Alam n’yo bang hindi mabubuhay ang isang tao kapag walang tubig. Maging ang mga isda ay hindi mabubuhay lalo pa’t sa tubig sila nakatira. Napakalaking bagay para sa isang tao ang tubig. Kung walang tubig ay walang buhay, in English, ‘water is life’.

Halos kinalakihan na natin ang payong uminom ng walong basong tubig kada araw upang may lakas kinabukasan. Noon pa man, binilinan na tayo na uminom ng walong basong tubig dahil ito raw ang angkop para sa ating katawan at kalusugan.

Sa katotohanan lamang, ang pangangailangan natin sa tubig ay depende sa sitwasyon, sa lagay ng kalusugan, kung gaano ka ka-active at kung saan ka nakatira.

Lahat ng sistema sa ating katawan ay nakadepende sa tubig. Tinatanggal nito ang toxins sa vital organs, nagdadala ito ng nutrients sa cells at nagbibigay ng moist sa tenga, ilong at throat tissues.

Nawawala ang tubig sa katawan sa ating pag­hinga, paglabas ng pawis, pag-ihi at pagdumi.

Ayon sa pag-aaral, ang mga lalaki ay kaila­ngan ng average fluid intake sa bawat araw ng 3 litro (13 tasa) at sa babae ay 2.2 litro (9 tasa).

Maaaring madagdagan ng fluid intake kung ikaw ay nag-eehersisyo. Depende sa intensity kaya kailangang magdagdag ng 1.5-2.5 tasang fluid.

Kapag nasa mainit na lugar ay tubig ang hinahanap. Kapag may sakit o karamdaman ay kailangan ng tubig upang manumbalik ang lakas.

Kapag buntis o nagpapa-breastfeed ay mainam na palaging may tubig sa tabi. Kung buntis, kailangang uminom ng 2.3 litrong tubig o nasa 10 baso at sa nagpapasuso ay 3.1 litro o nasa 13 baso ang kailangan.

Kung kaya, nakabubuti para sa katawan ng isang tao ang pag-inom ng tubig. Kung sawa naman sa tubig ay maaaring uminom ng juice upang maiba naman ang lasa o kaya ay kumain ng makatas ng prutas na mayaman sa tubig tulad ng pakwan, melon, buko, mansanas, at iba pang prutas na nakapagbibigay ng lakas at sigla ng katawan. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?