1,617

Feb 8, 2020 @ 20:18
By

Pag-inom ng pinakuluang bawang, gamot sa coronavirus?

Bumaha sa social media ng mga lunas daw sa coranavirus outbreak.

Bunsod nito, kumilos na ang mga social media giant gaya ng Fcaebook para malabanan ang mga “misinformation” kaugnay sa nCoV na kumitil na ng mahigit 700 sa China at apektado na ang may 24 na bansa.

Kabilang sa kumalat na “false cures o prevention methods” sa coranavirus ang pag-inom daw ng bleach.

Narito ang mga lunas daw sa virus na “fake news”, ayon sa online news website:

Pinakuluang bawang — Kumalat ito sa Facebook, Twitter at YouTube sa Pakistan.

Pagpatak ng antibiotic sa mata — Sa Pilipinas ito nagmula kung saan milyon na ang views.

Pinasingawang face masks — Libo-libo na rin ang views ng video nito kung saan isang doktor umano ang nagpapayo sa mga tao na i-steam ang kanilang surgical face mask para muling magamit.

Mga herbal — Matapos makumpirma ang unang kaso ng coronavirus sa Sri Lanka, isang article ang nai-share ng maraming beses sa Facebook na nagsasabing isang halaman ang makakapuksa sa virus, na pinabulaanan naman ng mga health expert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?