125

Dec 1, 2020 @ 16:46
By

‘Pag inggit pikit! Binanatan sa pagsuot ng Jordan Retro Manila, Kiefer sumagot

Hindi umatras si NLEX superstar Kiefer Ravena sa patama ng isang netizen dahil sa limited edition na Jordan shoes.

Sa post ni Mike Lorenz San Juan, pinuna nito si Ravena dahil sa isang larawan kung saan nakasuot kaagad ang manlalaro ng Jordan IV Retro Manila na sapatos.

Ang naturang sapatos ay limitado lamang dahil tanging 150 pairs lang ang ilalabas sa bagong bukas na Jordan store.

“Ravena hindi pa nga release suot mo na agad kasama ang hangtag,” banat ng netizen kay Kiefer.

Ganti naman ng dating King Eagle, “Boss, Nike mismo nagpasuot sakin niyan. Anong gusto mong gawin ko.”

Saad pa ng PBA player, “Kung pagalitan mo ako parang tropapis tayo eh last name basis pa.”

Binura na ng netizen ang naturang post matapos ma-bash dahil sa pagpapatma nito kay Kiefer.

 

 

https://www.facebook.com/sneaker.plant/posts/226259038856814
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?