1

Aug 5, 2020 @ 17:39
By

Pag-iisyu ng working child permit kanselado

Sinuspinde ng Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR) ang application para sa working child permit (WCP) at pagbibigay nito hangga’t umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ).

“Please be informed that the application and issuance of the Working Child Permit (are) hereby deferred until the lifting of the MECQ,” pahayag ni DOLE-NCR Regional Director Sarah Buena Mirasol.

Ani Mirasol, para na rin ito sa kaligtasan ng mga bata na posibleng ma-expose sa COVID-19 infections.

Iniisyu ang WCP sa mga batang edad 15 pababa na nasa sektor ng public entertainment o information.

Dapat mag-apply ng WCP online at limang araw bago ang shoot ng bata o aktibidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?