23

May 12, 2020 @ 15:40
By

Pag-hire ng mga contact tracer kinatigan ni Ping

Sinuportahan ni Senador Panfilo Lacson ang panukala ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na mag-hire ng maraming contact tracer sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Contact tracing is a key first step in addressing the COVID-19 threat. It should provide the baseline data or reference on who to test,” pahayag ni Lacson sa isang statement.

“Without it, our mass testing will be like shooting at the moon or running around like headless chickens,” dagdag nito.

Ayon kay Lacson, ang naturang hakbang ay makakatulong para mapigilan ang pagkalat ng virus at maglilikha pa ng dagdag ng trabaho sa gitna ng health crisis.

“Kung maipapatupad ang mungkahing ito nang maayos, maaari nating lutasin agad ang dalawang problema,” sambit ni Lacson.

“Ang bagay na ito ay nasa kamay na ng liderato ng Department of Health: Maiimplementa kaya nila ang mungkahi ni Secretary Dominguez?” tanong nito.

Nauna nang sinabi ni Dominguez na ang pagpapalakas ng contact tracing work force ay makakatulong hindi lang para mapalakas ang kapasidad ng health system ng bansa kundi magbibigay ng trabaho sa taong nawalan ng kabuhayan dahil sa quarantine protocol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?