330

Aug 14, 2019 @ 19:19
By

Pag-epal ng COA sa mga libro ng DepEd, binakbakan ni Briones

Kinuwestiyon ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang ginawang pag-“edit” ng Commission on Audit (COA) sa mga libro ng kagawaran.

Aminado si Briones sa ginawang pagdinig ng Senate committee on basic education, arts and culture, na may grammatical errors sa kanilang mga libro pero ilan sa mga mali umano ay dahil sa writing style.

“I will not argue with grammatical errors. But how about style? How about usage,” paliwanag ni Briones.

Magugunitang binatikos nina ACT Teachers party-list Representative France Castro at committee chair on basic education Senator Sherwin Gatchalian ang mga error sa mga libro ng DepEd sa report na rin ng COA.

Ani Briones, walang karapatan ang COA na maglagay ng editorial comments sa audit report nito sa kanila dahil mga eksperto sa diction at style ang dapat gumawa nito.

Kabilang sa kinorek ng COA sa isang libro ng DepEd ang pangungusap na: “nakatungtong sa Pacific Ring of Fire”, na dapat umano’y “nakapaloob sa Pacific Ring of Fire”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?