33

Sep 19, 2020 @ 21:01
By

Pag-eksena ng pusa sa 100M race, viral

Naging internet sensation ang isang pusang gala matapos niyang umeksena sa isang 100-meter race sa Turkey.

Sa kumalat na video, tila si Usain Bolt sa bilis ang pusa nang tumakbo patungong finish line ng Balkan U20 Men’s Athletics Championship sa Istanbul noong Linggo.

Humakot ito ng mga hilarious reaction mula sa mga netizen.

Nanalo sa karera si Turkish athlete Umut Uysal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: