35
risa-hontiveros
By

Pag-eksena ng Chinese ambassador sa Independence Day celebration, inupakan ni Hontiveros

Sharing is caring!

Umalma si Senadora Risa Hontiveros sa paglutang ng embahador ng China sa paggunita ng Independence Day sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite kahapon.

Banta umano sa kasarinlan ng bansa ang China dahil sa pagsakop sa West Philippine Sea pero hindi umeksena ang embahador at katabi pa ni Pangulong Duterte sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas.

“Hindi ko alam kung bakit nakatayo pa iyung Chinese Ambassador sa tabi ng presidente habang itinataas ang watawat. Kung bakit nakikipag-usap pa sa ating Defense secretary. Napaka-insensitive ng ganun,” sabi ni Hontiveros.

Dumalo si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa Independence day celebration ksama ng mga embahador at konsul ng Japan at Russia.

Namataan ang embahador na kausap sina Pangulong Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa panayam, sinabi ni Lorenzana na sinabi nya kay Jianhua ang pagkadismaya ng pamahalaan sa pag-akyat ng Chinese coast guard crew sa bangka ng mga Filipinong mangingisda na kinunan pa ng mga huling isda.

Ayon kay Hontiveros, talagang panahon na para busisiin ng Senado ang foreign policy ng Duterte administration para masipat na kung ano ang mga ikinompromiso nito kaya malamya ang mga tugon nito sa panggigitgit ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?