2,357

Nov 18, 2021 @ 15:08
By

‘Pag DQ vs Marcos Jr. tagumpay: Imee Marcos for president inilutang

Sa gitna ng patuloy na protesta laban sa kandidatura ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay lumutang ang isang posibilidad – ang tumakbo sa pagkapangulo ang kapatid niyang si Senadora Imee Marcos.

Ito ay kaugnay ng Twitter post ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez nitong Miyerkoles, kung saan nakasaad na: ‘From nov 16 until midday of election day, if a candidate dies or is disqualified, he (or she) can only be substituted by someone with the same surname.’

November 16 ang petsa sapagkat matatandaang noong Nobyembre 15 ay ang huling araw para sa substitution ng mga kandidato.

Samakatuwid, sakaling magtagumpay ang disqualification laban kay Marcos Jr., maaari siyang palitan ng kanyang ka-apelyido, kaya naman nilutang din ng ilang netizen ang pangalan ni Senadora Imee.

Sa comment section ng kanyang post, nilinaw ni Jimenez na sakaling madiskwalipika si Marcos Jr. at ikansela ang kanyang certificate of candidacy, hindi na siya mapapalitan pa.

Gayundin, hindi maaaring maging substitute ng kandidatong nag voluntary withdrawal matapos ang Nobyembre 15, ayon kay Jimenez. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?