65

By

Pag-downgrade ng kaso kontra Delfin Lee, iniapela ni Calida

Hiniling sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General (OSG) na baligtarin ang nauna nitong desisyon na nag-aatas na ibaba sa kasong simple estafa ang kasong syndicated estafa laban kay Delfin Lee, may-ari ng Globe Asiatique.

Ito ay sa pamamagitan ng 47-pahinang motion for reconsideration na inihain ng OSG.

Dahil kasi sa pag-downgrade ng kaso laban kay Lee, may pagkakataon na ito para makapagpiyansa.

Iginiit ni Solicitor General Jose Calida na may probable cause para kasuhan sa korte ng syndicated estafa sina Lee, kanyang anak at Globe Asiatique Executive VP Dexter Lee; Globe Asiatique Documentation Department Head Christina Sagun; Pag-Ibig Fund Lawyer Atty. Alex Alvarez at Globe Asiatique Accounting head Christina Salagan.

“It is respectfully admitted that all the elements of syndicates estafa are present. Delfin, Dexter, Sagun, Salagan, and Atty. Alvarez organized themselves into a syndicate for purposes of carrying out their fraudulent scheme, to the damage and prejudice of [Pag-ibig Fund] and its member-contributors. Also, it may not be amiss to point out that nine members of the honorable court (SC) have opined that there is a syndicate in this case,” ang nakasaad sa mosyon.

Dagdag pa ng OSG, inihain ng kampo ni Lee ang petisyon lagpas na sa reglementary period o akmang panahon na 60 araw mula nang matanggap nila ang kinukuwestiyong court order.

Nag-ugat ang kaso laban kay Lee sa mahigit P6 billion na maanomalyang pautang na inaprubahan ng Pag-ibig Fund para sa diumano’y mga bumili ng bahay sa housing project ng kumpanya sa Mabalacat, Pampanga pero natuklasan na ang mga ito ay ‘ghost borrower’ pala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?