35

Jan 18, 2019 @ 17:34
By

Pag-disqualify sa party-list ng mga manggagawa, pinalagan

Kinuwestiyon ng Manggagawa Party-list sa Korte Suprema ang pagdiskuwalipika sa kanila ng Comelec sa 2019 elections.

Sa kanilang inihaing petisyon, hiniling ng grupo sa magpalabas ang Supreme Court ng preliminary injunction o TRO laban sa desisyon ng Comelec.

Nais din ng grupo na atasan ng Korte Suprema ang poll body na ilagay ang Manggagawa Party-list sa mga printed ballots at panatilihin ito sa listahan ng mga eligible partylist organizations.

Ayon sa grupo, nakagawa ng grave abuse of discretion ang Comelec sa pagtanggal sa kanila sa opisyal na listahan ng party-list candidates.

Iginiit ni Elmer Labog, national president at first nominee ng Manggagawa Party-list, na nakatugon ang kanilang grupo sa lahat ng requirements para kumandidato.

Konektado ang Manggagawa Party-list sa mga militanteng grupo na Kilusang Mayo Uno, Migrante at Kadamay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?