276

Oct 17, 2021 @ 21:00
By

Pag-disqualify kay VP Leni fake news – Comelec spox

Wala umanong katotohanan ang kumakalat na video sa social media na disqualified na sa 2022 elections ang presidential aspirant na si Bise Presidente Leni Robredo.

Kumalat ang mga video na nagsasabing diskwaplikado na si Robredo sa halalan dahil sa paghingi nito ng donasyon para sa kampanya online.

Ginamit din ng nagpakalat ng fake news ang pahayag ng ilang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) patungkol sa diskwalipikasyon dulot ng paghingi ng donasyon sa iligal na donor.

“We are reminding our candidates to take care in accepting donations,” pahayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang ulat ng Inquirer.

“They have to report all (donations) and if they accept donations from prohibited donors, they could be facing an electoral offense charge which could result in disqualification,” dugtong pa niya.

Naging pokus din ng fake news ang reaksyon ni Comelec commissioner Rowena Guanzon tungkol sa page ni Robredo sa social media na nanghihingi ng pondo sa kampanya.

“Foreigners cannot contribute to any Filipino candidate,” pahayag ni Guanzon.

Ngunit paglilinaw ni Jimenez ngayong Linggo, hindi lamang si Robredo ang pinatutungkulan ng kanilang pahayag at wala ring katotohanan na diskwalipikado na ito.

“VP Leni Robredo has not been disqualified. Video and articles that imply or suggest otherwise are #fakenews. COMELEC’s reminders on prohibited sources of funding apply to all would-be candidates,” saad sa tweet ni Jimenez ngayong Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?