14

Sep 15, 2021 @ 13:44
By

‘Pag ‘di dumalo ng pagdinig: Gabinete rin apektado – Lacson

Kawalan din umano ehekutibo kung pagbabawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga gabinete na humarap sa pagdinig ng Senado sa pagbili ng medical supply para sa pandemya, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“It’s their loss, it’s not the Senate’s loss kung hindi a-attend yung mga Cabinet secretaries…may mga dokumento na kaming hawak,” sabi ni Lacson sa panayam sa Teleradyo.

“May matatanong na kaming mga tao na hindi Cabinet secretary. Mako-compel namin, pag hindi pumunta, meron naman sa aming rules of the Senate, pwede naming ipa-contempt,” dagdag pa nito.

Sa public address noong Miyerkoles, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na re-require ang mga gabinet na kumuha muna ng clearance bago sila dumalo sa mga pagdinig sa Senado.

“Gagawin mo lang yun ‘pag may tinatago ka, o meron kang ayaw na lumabas,” ani Lacson, kasabay banggit na ginawa na ito ng isang presidente noon kung kailangan umanong kumuha ng ‘consent’ bago payagang dumalo sa mga congressional investigation.

Ang tinutuloy ni Lacson ay ang Executive Order 464 na inisyu noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo in 2005.

Subalit binigyang diin ni Lacson na kailangan magkaroon ng kooperasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatibo sa anumang uri ng imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?