70
h-6k
By

Pag-deploy ng China ng bomber planes sa WPS, pinalagan ng Palasyo

Sharing is caring!

Hindi palalampasin ng Malacanang ang ulat na deployment ng China ng bomber planes sa mga islang pinag-aagawan sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na idudulog nila sa bilateral mechanism sa China ang bagong development sa West Philippine Sea sea dahil isa itong seryosong bagay.

Bibigyang-diin aniya ng gobyerno sa China ang ASEAN declaration sa katatapos na summit sa Singapore ang importansiya ng non-militarization at at hindi paglulunsad ng mga aktibidad na magdulot ng kumplikasyon sa West Philippine Sea.

“Now the Philippines reaffirms the need to enhance mutual trust and confidence, avoid actions that would escalate tensions and peaceful resolutions of disputes in accordance with international law including the 1982 UN Convention on the Law of the Sea and like the other issues that have been reported by a major daily, we will bring this issue again in the bilateral mechanism that we have agreed upon with China. This bilateral mechanism meets twice a year and I was told that there would be a scheduled meeting for the second quarter, possibly in June but not yet confirmed,” ani Roque.

Binigyang-diin ni Roque na hindi binabalewala ng gobyerno ang mga aksiyon ngayon ng China at kumikilos ang Department of Foreign Affairs (DFA) at hindi na kailangan pang ipag-ingay kung anong aksiyon ang ginagawa sa ngayon.

Kinumpirma rin ng kalihim na nakipagpulong ang mga matataas na opisyal ng gobyerno sa mga opisyal ng US Asia Pacific Command para ipakitang hindi tumatalikod ang Pilipinas sa pakikipagkaibigan sa Amerika.

Bagamat naninindigan aniya ang Pilipinas sa independent foreign policy, nananatili pa ring kaibigan ng Pilipinas ang Amerika.
” Well I can only surmise that the visit is intended to reassure the United States that while we are pursuing an independent foreign policy, we have not actually—we have not abandoned our traditional ally the United States, that its probably to reassure that we value the continued friendship and security cooperation that we have had with the United States throughout the years,” dagdag pa ni Roque.

Kabilang sa mga opisyal ng pamahalaan na nakipagpulong sa US Pacific Command ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Defense Secretary Delfin Lorenzana, DILG OIC-Secretary Eduardo Año, Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez, at Permanent Representative to the United Nations Teodoro Locsin Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?