20

Feb 16, 2021 @ 11:16

‘Pag binuksan na ang bar, face-to-face class payagan na rin – Win

Nagkomento si Senador Sherwin Gatchalian sa balik-operasyon ng isang KTV bar sa Parañaque.

Binahagi ni Gatchalian sa Twitter ang anunsiyo ng Airforce One Digital KTV na “ready for take off” na ito simula Pebrero 8, 2021.

“‘Pag bukas na ito, siguro naman pwede na tayo mag localized-limited-face-to-face classes para sa mag-aaral natin,” sabi ng senador sa caption.

Natawa naman si dating Senador JV Ejercito at sinabing, “Haha! Delikado ata ito Bro!”

Tinutulan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng face-to-face classes sa bansa simula noong nakaraang taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?