139

Aug 27, 2019 @ 22:44
By

‘Pag binigyan ng special privilege: Maraming maiingit kay De Lima – Dela Rosa

Nag-aalangan si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga nagsusulong na payagan si detained Senator Leila de Lima na makisali sa deliberasyon sa Senado sa pamamagitan ng video conferencing.

Ayon kay Dela Rosa, kung papayagan aniya si De Lima baka humirit din ang iba pang mga opisyal na sa gobyerno na nakakulong na bigyan din ng special privilege tulad nang ibibigay nila sa senadora.

“What if lahat ng detained na mga incumbent government official ay manghihingi mabibigyan ng the same privilege? Paano natin ma-accommodate?” sabi ni Dela Rosa sa panayam.

“Sabihin nila: What’s good for the gander must be good for the goose. Dapat equal rights tayo. Dahil pinayagan nyo si Senator de Lima, bakit kami hindi pwe-pwede?”

“Hindi ko pa sinasabi na yes or no ako dyan. Nag e-entertain pa ako ng ganung klaseng pag-iisip,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hihilingan muna nila ang opinion ng Philippine National Police at ng korte hinggil sa panukalang nina Senador Franklin Drilon at Senador Panfilo Lacson na payagan si De Lima na makipagtalakaya kahit na nakapiit ito.

“We will seek the opinion of PNP and the courts, because Senator de lima although unfortunately she’s detained, she’s a member of the Senate but there is a criminal justice proceeding and due process,” sabi ni Zubiri.

“So we must ask their opinions if they will allow special privilege, it is privilege it is not granted to any other prisoner, so yan ang ating kailangang tanungin and I think we will invite them to shed light on their opinion on the matter,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?