95

Nov 23, 2018 @ 15:21
By

Pag-awat ni Duterte sa military deployment sa WPS, ‘good call’ – Koko

Sinuportahan ni Senador Koko Pimentel ang pagpigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa deployment ng puwersa ng militar sa Panatag Shoal.

Iniiwasan lang umano ng Pangulo na magkaroon ng tensyon na maaaring mauwi sa malalang sitwasyon.

“For me it was a good call. Otherwise tensions might have escalated to beyond a controllable point,” ayon kay Pimentel.

Una rito, inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inawat ni Duterte ang binalak niyang pagpapadala ng maliit na puwersa ng Philippine Navy (PN) sa Panatag Shoal matapos na lumabas ang ruling ng International Arbitral Tribunal na pabor sa Pilipinas at bumasura sa pilit na pag-aangkin ng China sa buong West Philippine Sea at sa Panatag Shoal.

Ayon kay Pimentel, ang pagpapadala roon ng militar ay maaaring ituring ng China na paghahamon.

“Since we just won the arbitration case, then a military deployment to the area being contested might add fuel to the fire and might have effect of rubbing salt to an open wound,” diin ni Pimentel.

“It was an understandable judgment call on the part of Pres. Duterte to show “magnanimity in victory” and not do anything which might be misinterpreted by the other party as either a provocation or an attempt to enforce the decision,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?