457

Feb 1, 2019 @ 15:20
By

Pag-atras ni Roque sa Senado, makakabuti sa Hugpong – Mayor Sara

Suportado ni Davao City Mayor Sara Duterte ang desisyon ni dating presidential spokesman Harry Roque na hindi na ituloy ang pagtakbo sa Senado dahil sa problema nito sa kalusugan.

Kanina inanunsiyo ni Roque ang kanyang pag-atras matapos madiskubreng mayroon siyang “unstable angina coronary disease”.

Itinuturing niyang pangalawang buhay na niya ito matapos maagapan ang posibleng atake niya sa puso.

Ipinayo aniya sa kanya ng mga doktor na magpahinga ng dalawang buwan at iwasan ang stress para sa kanyang kalusugan.

Kabilang si Roque sa 14 senatoriables ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na pinamumunuan ni Mayor Sara.

Samantala, sabi ni Mayor Sara sa report ng Inquirer, sa kabila na “unfortunate” umano ito sa parte ni Roque ay positibo naman ito para sa HNP dahil mababawasan sila ng kandidato sa kanilang hanay.

Gusto umano ng partido na 12 lang ang senatoriables nila sa darating na eleksiyon sa Mayo.

Sa kasalukuyan dahil sa pag-atras ni Roque, 13 na kandidato mayroon ang Hugpong.

Ito’y sina Cynthia Villar, Koko Pimentel, Sonny Angara, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, Bong Revilla, Pia Cayetano, Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Ronald dela Rosa, Bong Go, Francis Tolentino at Jiggy Manicad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?