59

By

Pag-atras ni Roque sa kandidatura, kinumpirma ng Comelec

Sinelyuhan na ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang hindi na nito pagtakbo sa pagka-senador matapos magsumite ng kanyang Statement of Withdrawal (SOW) sa Commission on Elections (Comelec).

Kinumpirma ni Comelec spokesperson James Jimenez ang pagsusumite ni Roque ng SOW.

Ani Jimenez, aalisin na umano ang pangalan ni Roque sa balota kapag natapos na ang procedural requirements sa kanyang pag-atras.

Kanina (Pebrero 1) nang ianunsiyo ni Roque na hindi na siya tutuloy sa pagkandidato dahil umano sa problema sa kalusugan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?