60

Sep 26, 2021 @ 15:06
By

Pag-atras ni Lacson sa presidential race fake news

‘A show of early desperation’.

Ganito inilarawan ng Partido Reporma ang fake news na kumakalat sa social media na nagsasabing umatras o di kaya’y aatras si Senador Panfilo Lacson sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022.

“There is an ongoing misinformation campaign claiming allegedly that Senator Panfilo Lacson has or is withdrawing his candidacy for President in the May 2022 elections. Nothing could be further from the truth,” sabi ni Partido Reporma spokesperson Ashley Acedillo sa isang statement.

“On the contrary, the Lacson-Sotto tandem has been full speed ahead and has only been growing from strength to strength,” dagdag pa nito.

Sina Lacson at running mate nitong si Senate President Vicente Sotto III ang unang pormal na nagdeklara na kanilang intensyong tumakbo sa pagka-presidente at bise presidente sa May 2022 election.

Ayon kay Acedillo, patuloy umano ang palalatag ng dalawa ng kanilang ‘brand of public serbice” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng consultative meeting sa mga lokal na opisyal sa mga lalawigan.

“This early, that among those running for the top two highest elected positions of the land, they are the most prepared and the most capable to lead this country,” sabi nito.

Noong Sabado, nagtungo sina Lacson at Sotto sa Tagum City, Davao del Norte kung saan mainit na tinanggap ng mga opisyal at miyembro ng Reporma doon. Si Lacson ang chairman ng Reporma at si Sotto naman ang pinuno ng Nationalist People’s Coalition.

Mahigit 200 miyembro ng Reporter ang nanumpa at nagpahayag ng kanilang solidong suporta sa tambalan nina Lacson at Sotto.

“While the others are still deciding whether or not to run, or hurriedly negotiating for their running mates, or worse, still, looking for a party to run under, Senators Lacson and Sotto and their respective parties have already mobilized the combined strength of their alliance to secure their bases of support,” sabi ni Acedillo.

“As the filing of candidacies nears, so is the desperation of the ill-prepared, tentative, or the unwilling candidates. And this latest misinformation campaign just proves that,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?