bashar

Pag-atake sa Damascus: ‘Doomed to fail’ – Syria

Sharing is caring!

Tinuligsa ng Syrian state media ang nangyayaring pag-atake sa kanlurang bahagi ng Syria at sinabing ilegal ito at “doomed to fail” o mabibigo.

Kasalukuyan kasing binobomba ng US, France, at Britain ang Damascus dahil umano sa paggamit ni Syrian President Bashar al-Assad ng chemical weapons.

“The aggression is a flagrant violation of international law, a breach of the international community’s will, and it is doomed to fail,” anang state news agency na Syrian Arab News Agency (SANA).

Ayon sa ulat, magkakasunod na pagsabog ang naririnig ngayon sa Damascus na nagsimula alas-nuwebe ng umaga, oras sa Pilipinas, kasunod ang mga tunog ng eroplano.

Makikita rin ang makakapal na usok mula sa northern at eastern ng Damascus.

Sa report ng SANA, taget ng pinagsanib na operasyon ang military installations sa paligid ng Damascus at malapit sa central city na Homs.

Tatlo umanong sibilyan ang sugatan sa Homs attacks.

Tinamaan din ng missiles ang research centre sa Barzeh, hilaga ng Damascus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?