8

Jan 11, 2021 @ 15:36
By

Pag-atake ng mga buwaya sa Palawan nabawasan

Bumaba ang insidente ng pag-atake ng mga buwaya sa Palawan, ayon sa Crocodylus Porosus Philippines Incorporated (CPPI).

Ani CPPI Researcher and Education Officer Meljory Corvera, bumaba ang bilang ng pag-atake ng mga buwaya sa mga bayan sa timog ng Palawan kabilang na ang Balabac.

“Last year mayroon tayong six non-fatal attacks, which is pinakamababa sa record natin. Noong 2019 kasi ang mayroon tayong 12 attacks,” sambit ni Corvera.

Tingin niya, epektibo ang ginagawa nilang information and education campaign sa lugar lalo na sa southern Palawan pati na mga signages tungkol sa pag-iingat sa mga buwaya.

Batay aniya sa kanilang pag-aaral, may kabuuang 346 ang populasyon ng buwaya sa timog na parte ng Palawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?