77

Jul 23, 2019 @ 19:38
By

Pag-asa Island balak tayuan ng mga hotel

Kinokonsidera ng gobyerno ang konstruksyon ng mga hotel sa Pag-asa Island, na bahagi ng Spratly Islands sa West Philippine Sea.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ito umano ay para sa mga Filipino na gustong bumisita sa isla.

Dagdag pa niya, 70 porsiyento nang kumpleto ang itinatayong beaching ramp sa Pag-asa Island.

Magiging daan aniya ang beaching ramp para sa konstruksyon ng runway at iba pang structure sa isla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?