1,161

Jul 22, 2020 @ 13:53
By

Pag-aresto sa KAPA founder pinagpasalamat ng Palasyo

May pagkakataon na si KAPA Community Ministry International Founder Joel Apolinario na ipagtanggol ang sarili sa korte at ibigay ang kanyang panig kaugnay sa mga akusasyon laban sa kanya.

Ito ang reaksiyon ng Malacañang makaraang maaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police si Apolinario sa Lingig, Surigao del Sur nitong Martes.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpapasalamat ang Palasyo sa PNP dahil naaresto na si Apolinario matapos ang pagiging madulas nito sa mga otoridad.

“Nagpapasalamat tayo sa kapulisan dahil iyan naman ang trabaho ng ehekutibo, ang ipatupad ang batas,” ani Roque.

Ipapaubaya na ng Malacañang sa korte ang magiging disposisyon laban kay Apolinario.

“Ngayong nahuli na siya, haharap siya sa mga kaso niya at hayaan natin ang korte na magbigay ng desisyon kung dapat ba siyang ipakulong o hindi,” dagdag ni Roque.

Inakusahan si Apolonario ng large scale estafa sa pamamagitan ng ponzi scheme o pagbebenta ng securities sa bansa nang walang kaukulang dokumento mula sa Securities and Exchange Commission.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?